CUTE UNLIMITED BIG BROTHER

Picture

ang panimula...

Picture
Pinanganak ang Cute Unlimited Big Brother noong September 21, 2007 sa pangunguna at pagmamay ari ni Mr. Rannel Martin. Madaming kontrobersya ang naganap bago ito tuluyang nagbukas at tinanggap ng publiko. Nagkaroon ng kaguluhan dahil ginamit ang titulong Cute Unlimited na isang sikat na grupo sa Friendster. Nagkaroon pa ng hulaan game kung sino ang may ari at nagpanimula ng grupo na ito. 


Mga ilang araw na din ang nakalipas at nabigyan na ng basbas ng nakakatataas na Cute Unlimited ang grupo na ito at isinama na nila sa kanilang branch. At dahil doon nagkaroon na ng suporta ang namamahala sa nasabing grupo. 

CUBB FSmates Season 1-5

season 1

Picture
Unang sabak ng CUBB, isang magandang panimula. Madami din tagapanood, taga suporta at talaga namang may kakaibang gimik sa season na to. Kinabibilangan ng mga active members ng Cute Unlimited halos lahat ng kasali dito pati na din ang Moderator ng CU. Tinanghal na Season 1 Big winner si Dianne Kessyl Young na sinundan ni Owen bilang 1st runner up at sinundan naman ni Lizzie bilang 2nd runner up. Dahil sa medyo sumikat ang season na to napagdesisyunan ng founder at iba pang staff ng CUBB na magkaroon ng season 2.

season 2 remake

Picture
Ng sa kadahilanang hindi naging active ang dapat na season 2 ng CUBB at sa pagkakawala ng mga namamahala ng CUBB kaya sa pagbabalik nito na tinapat sa bakasyon sa Pilipinas ay nilunsad ang Season 2 remake. May mga pagbabagong nangyari, sa management, sa mga rules in short nireformat lahat. Itong season na to ang matatawag na pinkasuccessful sa lahat ng season kung tititgnan at pagbabatayan sa ibang season. Sa season na ito nasubok talaga lahat pati personalidad ng mga FSmates. Ang nakakamit ng titulo na Big winner ay si Chedar Lee na sinundan ni Marvin Soriano bilang 1st runner up. Bilang 2nd runner up naman ay nakuha ni Alex Loveday Baul at ang 3rd runner up naman ay nakuha ni Arnold San Pedro. Naging rayot din ang boto dito na umabot sa halos 11.000 total votes via message at pinakamadaming supporter sa halos lahat ng season.

season 3 p.u.t.a. edition

Picture
Ni-launch ng CUBB ang matatawag na mga talentong FSmates at ito ay tinawag na Pinoy Unlimited Talented Artist. Dito nagsimula gumawa ng mga video tasks ang mga FSmate. Ang season na ito ay malayo sa mga ibang nagdaan na season. Dito din nagsimula ang pwersahang pagsipa o pagpapalayas sa contest na ito. Naging mabigat ang laban dito na halos umabot ang boto sa 40,000 total votes at naging madugo din ang labanan sa paggawa ng mga tasks. Tinanghal na Big winner ay si Anna Lopez na sinundan ni Austin Teodoro bilang 1st Big placer.
Nakakuha naman ng 2nd Big placer ay si Cristina Zaragosa at sa pwesto naman ng 3rd Big placer ay nakamit ni Brenson Butch Mendez. Tunay ngang mga talentado at maipagmamalaki ang mga pilipino kahit saan mang parte ng mundo.

season 4 lvl up

Picture
Bilang unang anibersaryo ng CUBB nilaunch ng CUBB ang season 4 lvl up. Lvl up para sa mas mahirap, panibagong mga hamon at kapana-panabik na twist. Ang season na ito ang pangalawa sa Season 2 remake na may pinakamagandang ratings. Naging active ang bawat FSmates at talaga naman walang sukuan hanggang sa huli. Naging makontrobersyal ang season na to dahil sa naging resulta at dayaan daw sa poll. Masaya at kasabik sabik lalo na sa oras ng YM Conference. Ang tinanghal na Big winner ay si Catheryn Joyce Dimasin at sinundan naman ni Junie Vargas bilang 1st Big Placer. Naitanghal namang 2nd Big Placer ay si James Demver Vargas at ang 3rd Big Placer naman ay si Carlos Giuseppe Briones. Naging makasaysayan ang season na to dahil sa nakolektang boto sa poll na umabot sa halos 4,000 Total votes. Kung Season 3 ang nakakuha ng pinakamarami sa message ang Season 4 naman ang nakatala ng pinakamataas ng boto sa poll.

season 5 rated xxx

Picture
Ang season na ito ay kauna-unahang season na sinumalan ng magpapasko at naging matagumpay din naman. Isa din sa season na napakakontrobersyal dahil sa pagkakaroon ng alitan sa pagitan ng FSmate at CUBB management. Naging marka sa season na 'to ang pagsisikap ng mga naging kasali kahit hindi gaanong kaakstib ay nagsumikap ang mga natitira para matapos na matagumpay. Dito din unang nagkaroon na non-filipino FSmate, hindi filipino citizen o walang anu mang filipino blood. Tinanghal na Big Winner ay si Francis Adrian Benavidez at sinundan naman ni Sherrida Sam Garchitorena bilang 1st Big Placer. Tinanghal naman 2nd Big Placer si Rodolfo Lopez Jr. at ang 3rd Big Placer ay si James Keiyo.